top of page
BIDA - JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRES

JM, UMAMING NATUTUKSO PA RING MAG-DRUGS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 16, 2023



Medyo malusog si JM De Guzman nang makaharap namin sa last mediacon ng Viva Films movie nila ni Cindy Miranda titled Adik Sa 'Yo na palabas na sa April 19 mula sa direksiyon ni Nuel Naval.


Sagot lang sa amin ni JM nang batiin namin ang chubby face niya, "Masarap kasing kumain!"



Ay, tama naman siya d'yan!


Kinumusta namin si JM sa one-on-one interview namin sa kanya kung ano'ng napi-feel niya na gamit na gamit pa rin at pinag-uusapan sa mediacon ang 'dark past' niya nang minsan siyang gumamit ng illegal drugs, lalo't sa istorya nga ng Adik Sa 'Yo ay drug addict din ang role niya.


Nahe-hurt ba siya kapag ibinabalik-balik pa rin ito sa kanya?


Pag-amin ng magaling na aktor, "Yes, I still do. Binigyan po ako ng pagkakataon na magbago ngayon, I have to be strong."


May mga old friends pa rin ba niyang lumalapit sa kanya at inaakay siya sa maling landas?


Aniya, "Wala na po."

Nilayuan na raw niya totally ang mga BI (bad influence) niyang 'friendships'.


Dagdag na tanong namin, "So, hindi ka na rin nate-tempt talaga na gumamit uli ng drugs?"


Sagot niya, "Well... may triggers pa rin minsan, na minsan, nade-depress. Pero, ang importante, mabilis namang mawala 'yung ganu'n. Pero ngayon, nae-experience ko 'yung triggers, talagang nilalabanan ko."


Asked uli namin, "Depression sa career? Sa personal life? Family life?"


Sey ni JM, "Personal life. Siguro, sa dami na rin ng mga pinagdaanan and du'n po biglang nati-trigger 'yung depression ko na hindi ko masyadong nae-express 'yung pain."



Pa'no niya natatanggihan?


"First, I stay connected sa facility pa rin and sa mga psychiatrists ko, sa mga doctors ko to get medicines."


Ah, okay. Very good 'yan, JM! At sana, instead husgahan siya ng iba ay tulungan nating makabangon si JM dahil nakakapanghinayang ang talento niya bilang magaling na aktor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page