top of page

JM, RUMESBAK SA MGA NAGSABING MATABA SIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 22, 2023


ree

Maikli lang pero tagos ang reaksiyon ni JM de Guzman sa kanyang mga body shamers.


Ipinost ng Linlang actor ang screenshots ng mga komento ng mga netizens tungkol sa kanyang katawan. Dito ay makikitang bina-bash siya at sinabihang “chubby” at “mataba.”


Sey pa ng isang netizen, “Ba’t parang may mali? Parang may stiffed neck (si) JM, tumaba.”


Komento naman ng isa pa, “Tumaba si JM, inaalagaan ni Donna nang maayos.”


Si Donnalyn Bartolome na nililigawan ngayon ni JM ang tinutukoy ng netizen.


Ito lang ang reaksiyon ni JM sa kanyang mga bashers, “Masakit kayo magsalita.:)”


Sa comment section ay dumagsa naman ang suporta at simpatya sa aktor kabilang na ng mga kasamahan niya sa showbiz.


“Whew. Ibang klase. How can people be so mean. ‘Kala nila, nasa sarili lang nila silang mga kuwarto at nakikipagkuwentuhan sa mga barkada nila habang namumulutan ng ibang tao.


These people are not happy people that’s for sure,” komento ni John Arcilla.


Sey naman ni Dianne Medina, “We love you Juan Mig.”


Payo naman ni Tim Yap, “You are such an amazing actor. Your mastery of craft is what matters. Learn to ignore.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page