top of page
Search
  • BULGAR

JK, ‘BIG NO’ MAGPADIREK KAY DARRYL YAP

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 22, 2023




Pinalakpakan at pinuri ang mahusay na pagganap ni Juan Karlos 'JK' Labajo bilang Ninoy Aquino sa musical film na Ako Si Ninoy na palabas na simula ngayong Feb. 22 sa mga sinehan sa buong bansa.


Mukhang kinarir talaga ni JK ang pag-arte na aminado namang na-enjoy at nailabas din niya ang husay sa pag-awit, lalo na sa makabagbag-damdaming film version ng hit song niya na Buwan, na pasado at swak naman sa eksena.


Sa celebrity premiere ng musical film na isinulat at idinirek ni Vince Tañada, nagbiro si JK na parang gusto na raw niyang iwan ang singing at umarte na lang, lalo pa nga't nagampanan niya nang buong husay ang role na kinatakutan niya sa simula.


Sa premiere ng movie, isa ang anak nina Senador Ninoy at dating Presidente Cory Aquino na si Viel Aquino-Dee na sumuporta at nanood.


Nandu’n din sina former Sen. Bam Aquino at Direk Joel Lamangan na may movie namang Oras de Peligro na showing on March 1.


Anyway, natanong naman si JK na after maidirek ng multi-award-winning na si Atty. Tañada, type ba niyang maidirek din ng kontrobersiyal na si Darryl Yap?


Isang big 'NO' ang isinagot ni Juan Karlos na mamahalin n’yo sa Ako Si Ninoy.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page