top of page
Search
  • BULGAR

Jiro, posibleng magbalik showbiz

ni Angela Fernando @News | May 2, 2024


Marami ang naka-miss na makitang umarte uli ang dating sikat na child actor na si Jiro Manio kaya naman gan'un na lang ang support ng madla sa ginampanan nitong karakter sa music video ng dating Callalily na ngayon ay "Lily" na "Magbalik."


Madalas na ring lumabas muli ang pangalan nito sa social media at nagiging laman ng usap-usapan.


Sa guesting nito kamakailan sa Youtube channel ni Aiko Melendez, humirit pa ang aktres dito na sana raw ay pagsamahin sila sa isang palabas dahil parehas silang nanggaling kay Maryo J. de los Reyes.


Inaasahan din ng marami ang pagbalik nito sa pag-arte lalo pa't isa si Jiro sa mga aktor na alam kung paano gampanan ang mga karakter niya nang may puso.


Pagbabahagi ni Jiro, makikita raw siyang muli ng netizens sa isang bagong music video kasama ang vlogger na si Jai Asuncion ngunit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye tungkol dito.


Sabi nga ni Aiko, it's a start daw ulit para sa aktor kaya hindi talaga malabo ang pagbabalik-showbiz nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page