top of page
Search
  • BULGAR

JILLIAN, ‘DI KAILANGAN NG LOVE TEAM PARA SUMIKAT

ni Nitz Miralles @Bida | August 4, 2023



Napanood namin ang mga videos kung paano pagkaguluhan si Jillian Ward sa mga pinupuntahan niya ngayon. Sa Bataan, kasama niya ang ilang cast ng Abot-Kamay na Pangarap, pero maririnig na pangalan ni Jillian ang tinatawag.


Wala ring tigil ang pagkamay sa kanya ng mga tao at kita sa video na punumpuno ang mall kung saan ginanap ang mall show. Kita ang sobrang tuwa ni Jillian sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao, napa-“Wow” ito sabay hawak sa kanyang dibdib na parang nagpapasalamat.


Naulit ang pagkakagulo kay Jillian nang bumisita siya sa BestLink College na mula sa pagpasok niya, hanggang pagsampa sa stage, nagkagulo ang mga tao. Solo si Jillian sa lakad niyang ito at siya lang talaga ang pinagkaguluhan ng mga tao.


Wala ring tigil ang sigawan at request na pa-picture at pakikipagkamay ng mga nadaanan ni Jillian.


Marami ang natutuwa sa kasikatan niya ngayon at malaking bagay ang Prima Donnas at ang Abot-Kamay na Pangarap na ang rating ay pang-primetime ng GMA-7. Ilang beses nang na-extend ang nasabing afternoon prime series at balita namin, extended ito hanggang January 2024. Kahit na nakaka-high blood ang mga eksena, sige pa rin ang panonood ng mga viewers.


Ang ganda ng sinabi ng isang casual fan na natutuwa siya kay Jillian na sumikat nang walang ka-love team, solo niyang dinadala ang kanyang career niya, pati na rin ang kasikatan niya ngayon.


Ang mga fans na ang nagbigay ng title sa kanya na “The Country’s Hottest Teen Star Now,” at “The Daytime Soap Princess.” Hindi na nila hinintay na ang GMA ang magbigay ng title kay Jillian.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page