JILLIAN, ASIA'S MOST REMARKABLE ACTRESS OF THE YEAR
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 1, 2023

Kinilala ang husay ng Kapuso actress na si Jillian Ward sa ginanap na 7th Asia Pacific Luminare Awards at pinagkalooban siya ng recognition bilang Asia's Most Remarkable Actress of the Year.
Bukod dito, pinarangalan din siyang Best Actress in Daytime Series sa 12th Northwest Samar State University at siya rin ang napiling tumanggap ng Students Choice Award for Radio and Television.
Ang mga karangalang ito ay naging inspirasyon ni Jillian upang lalo pa niyang pagbutihin ang pag-arte sa pinagbibidahang afternoon soap na Abot-Kamay na Pangarap.
Masaya rin ang buong cast ng nasabing afternoon series dahil sa mataas na ratings na kanilang patuloy na natatanggap.
At mas naging interesting ang takbo ng istorya dahil sa pagpasok ng mga bagong characters tulad nina Leo Martinez, Dina Bonnevie, Carmina Villaroel, Richard Yap at Dominic Ochoa.
Nagpapasalamat naman si Jillian sa suporta na ibinibigay sa kanya ng buong cast ng serye.





Comments