top of page
Search
  • BULGAR

Ji Won ng Queen of Tears, nag-post ng photo na naka-wedding dress

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 6, 2024




Patuloy pa ring sinusubaybayan ng mga viewers ang mga bida ng 'Queen of Tears' na sina Kim Soo Hyun at Kim Ji Won.


Tuwang-tuwa ang mga fans nang i-post ng dalawang K-Drama stars noong Linggo ang ilang behind-the-scenes snaps mula sa series.


Ibinahagi ni Ji Won ang larawan niya sa kanyang wedding dress at isa pa sa loob ng oceanarium, kasabay ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa ‘Queen of Tears.’


“Thank you all for supporting the Queen of Tears. May you all be healthy and happy,” aniya sa Korean na isinalin sa English ng Instagram.


Samantala, ibinahagi ni Soo Hyun ang isang candid photo kung saan siya ay nakatanaw sa mga wildflowers habang kita ang sunset sa kanyang background.


Nakagawa naman ng kasaysayan ang 'Queen of Tears' bilang “most-watched program of any kind” sa South Korea para sa episode 15 nito.


Upang pasalamatan ang mga tagahanga ng K-Drama series, inilabas ng "Queen of Tears" ang dalawang special episodes noong Mayo 4 at 5.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page