Jhong, 'di lang ginaya, gusto pang talbugan… KIM, NAG-HEAD STAND, NASUBSOB SA SAHIG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 16, 2022

Si Jhong Hilario ang tinaguriang "Sample King" sa It's Showtime dahil sa husay nitong sumayaw at mag-tumbling.
Nahilingan ng mga IS hosts na mag-sample sina Jhong at Kim Chiu ng kanilang pang-malakasang sayaw at unang nagpaunlak si Jhong.
Talaga namang lahat ay bumilib sa walang kupas na pagsasayaw ng konsehal-TV host ng IS.
After ni Jhong ay si Kim naman ang nagpakitang-gilas. Sa kagustuhang maungusan si Jhong sa dance floor ay nag-head stand din ang Chinita Princess.
Ikinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtatangka nitong mag-head stand dahil nasubsob nang kaunti ang kanyang ulo. But the show must go on, 'ika nga.
Matapos ang kanyang performance, agad naglapitan ang mga co-hosts ni Kim para saklolohan siya na itayo.
Sa kabila ng kanyang head stand, maging si Kim ay tawang-tawa sa kanyang ginawa.
Tanong tuloy ni Ogie Alcasid, ano raw ba ang gustong gawin ni Kim?
Biro naman ni Jhong, mahirap daw palang i-beso ang dance floor.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"Head stand ala-@prinsesachinita A for effort. Ginagawa mo, @prinsesachinita?"
"Hahaha! Hindi kita kinaya. Need ng tulong, girl? haha!"
Samantala, ibinahagi naman ni Kim ang screenshot ng pag-tumbling ni Jhong. 'Yun daw sana ang gagawin niya.
Sigurado ako, magpapaturo si Kim kung papa'no ibalanse ang paghe-head stand sa dance floor.





Comments