top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Jewel Of The Nile nagawang manalo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 29, 2023


Kalmadong lumabas ng aparato si Jewel Of The Nile para sungkitin ang panalo sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas, noong Miyerkules ng gabi.


Naka-puwesto sa pang-lima si Jewel Of The Nile at hinayaang mauna lang ang ibang kabayong matutulin sa alisan.


Hawak ni A Lop Bam Boom ang unahan habang nasa segundo puwesto si Unafraid sa kalagitnaan ng karera.


Pero pagsapit ng far turn ay inagaw na ng Unafraid ang unahan sa A Lop Bam Boom.


Nasa segundo puwesto na ang Jewel Of The Nile papalapit ng home turn at sa rektahan ay umagaw ng bandera ang winning horse sa huling 100 metro ng karera.


Inungusan ng Jewel Of The Nile ang meta ng may tatlong kabayong agwat sa pumangalawang si Unafraid.


Inirehistro ni Jewel Of The Nile ang tiyempong 1:14.2 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AK Castro ang P20,000 added prize.


Dumating na tersero si Silver Lining habang pumang-apat si Fantastic Silver na ginabayan nina Esmael Nahilat at John Marlon Dela Cruz ayon sa pagkakasunod.


Samantala, hinahanda si Jewel Of The Nile sa susunod nitong laban para makasungkit muli ng panalo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page