Jewel Of The Nile at Mam Madam, paborito sa 3-YO
Updated: Jan 21, 2023
ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 20, 2023
Kursunada na pang-primera ng mga karera tipsters sina Jewel Of The Nile at Mam Madam sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas ngayong araw.
Paniguradong dodominahin nina Jewel Of The Nile at Mam Madam ang bentahan sa takilya pag-arangkada ng karera sa Race 1.
Gagabayan ni Rico Suson si Jewel Of The Nile habang si Claro S. Pare ang rerenda kay Mam Madam sa distansiyang 1200m.
Nakalaan ang P20,000 added prize sa winning horse owner, ang ibang kasali ay sina Corona, Ark Of Gold, Mount Timbak at Queen Of The South.
Komento ng mga karerista, medyo may kalamangan sa laban sina Mam Madam at Jewel Of The Nile kaya posibleng tumuon ang liyamadista sa kanila.
Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Biyernes kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Lahat ng karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Inaasahang aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na tigasing kabayo sa Condition Race (18) na ikakasa sa pangatlong karera.
Ang magtatagisan ng bilis ay sina Landslide, Princess Mavee, A.P. Factor, American Dream, Under Pressure at My Jopay sa distansiyang 1,200 meter race.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Jewel Of The Nile (4), Mam Madam (3)
Race 2 - My Dad Bogart (7), Wishful Thinking (6), Pendant (4)
Race 3 - My Jopay, (6), American Dream (4)
Race 4 - Rockaway (4), Blue Mist (9), Queensland (6), Speak Easy (2)
Race 5 - Manang Biday (1), Bonifacio (8), Golden Eight (9)
Race 6 - Silab (5), Speeding Hero (4)
Race 7 - Batang Cabrera (2), Fortissimo/Critical Moments (7/7A), Tazama (3)
Race 8 - Chloespirit (7), Munich/High Quality (2/2A), Caraga Wonder (10)





Comments