JESSY, UMAMING NAWALAN NA NG PAG-ASANG MABUBUNTIS NI LUIS
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 21, 2022

Inamin ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na bago pa man nabuntis ang aktres ay matagal na silang nagta-try na makabuo ng baby.
“We’ve been trying for months. Every time na siyempre, hindi kami papalarin, malulungkot kami,” pagbabahagi ni Jessy sa kanyang vlog.
Kaya dumating daw sa point na hindi na siya nagte-test.
“Hindi na ako umaasa. Tapos 'pag magkakaroon ako (ng period), naiiyak ako. So, parang dumating sa point na hindi na rin kami masyadong pressured,” aniya.
“Kumbaga, nag-usap kami (ni Luis), ‘Let’s have fun na lang, let’s enjoy, 'antayin natin kung kailan ibibigay talaga sa atin ni Lord,’” patuloy ng aktres.
Dagdag naman ni Luis, “Nandu’n ‘yung effort pero as much as possible, hindi namin hinayaang ma-stress kami kung ibigay agad ni Lord or hindi.”
Inamin nilang nag-expect daw sila na makakabuo sila sa Dubai. Matatandaang early this year ay nagtungo sila sa nasabing bansa para magbakasyon at dalawin ang ama ni Jessy.
“Lagi tayong may expectation na 'pag nagbabakasyon tayo na du’n mabubuo. Or like kapag talagang sinunod natin ‘yung date o kaya 'yung… Parang hindi ka na nag-enjoy du’n sa lovemaking,” sambit pa ni Jessy.
“I’m sure couples would relate na parang hindi na kayo nag-enjoy doon sa lovemaking as a married couple,” ulit ng aktres.
Natatawa namang sabi ni Luis, “Gusto ko lang sabihin, Howhow, lahat ‘yun, na-enjoy ko, ha? Gusto ko lang klaro ‘yun.”
Ngayong magkaka-baby na nga ang mag-asawa, sobrang happy sila at looking forward na sa bagong chapter ng kanilang buhay bilang magulang.





Comments