top of page
Search
  • BULGAR

Jessy, pinaamin… LUIS, PINAGDUDAHANG ANAK NIYA SI PEANUT

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 14, 2024



Showbiz News

Aliw much na naman kami sa latest episode ng Luis Listens vlog ni Luis Manzano sa YouTube para sa Father's Day.


Kung dati, si Luis ang nag-i-interview sa kanyang mga guests, this time, ang aktor naman ang tinanong ng misis niyang si Jessy Mendiola kung paano nabago ang buhay niya bilang ama, ano 'yung mga challenges sa pagdating ni Isabella Rose Manzano a.k.a. Peanut sa kanyang buhay at kung anu-ano pa na may kinalaman sa kanyang role bilang tatay.


Nakakabilib si Luis kung gaano siya karesponsableng ama na kahit busy sa kanyang trabaho para makapag-provide sa kanyang mag-ina ay sinisikap pa rin niyang mabigyan ng quality time sina Jessy at Peanut.


Sabi nga ni Luis, kahit ano'ng busy niya, titiyakin niyang never siyang magiging absent sa lahat ng mga oras na kailangan siya ni Peanut sa tabi nito.


At kesehoda raw na magmukhang tanga siya mapatawa at mapasaya lang ang anak ay gagawin niya.


Ang nakakaaliw lang at talagang tawang-tawa kami ay 'pag nakikita namin ang reaction ni Luis tuwing naglalambing siya kay Peanut na gusto niyang kargahin ito, yakapin at halikan.


Siyempre, dahil si Jessy ang mas madalas na kasama ni Peanut sa bahay, mas close ang bata sa ina. Kaya 'pag akmang kukunin na siya ni Luis ay dumededma ito at sa nanay nagpapakarga.

Kaya patawang tanong naman ni Luis kay Jessy, "Anak ko ba talaga 'to? Mag-usap nga tayo!" habang tawa lang nang tawa ang kanyang misis.


 

Tumataba 'pag in love…

KC, WALA NANG DYOWA, TODO-PA-SEXY NA ULI



Ara Mina

KC Concepcion / Instagram


Medyo pumayat na si KC Concepcion sa ipinost niyang video kahapon habang paikut-ikot siya sa ulanan at wet look.


Medyo umimpis na ang kanyang tummy at lumiit na rin ang mga braso, kaya siguro naman, titigilan na si KC ng mga Marites na nagdududang buntis ang panganay nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Matatandaang nu'ng huling birthday ni KC last April 7, pinagpiyestahan ang dalaga sa birthday celebration niya with some friends dahil medyo lumaki si KC at naka-dress nang maluwag. Kaya ang feeling ng mga Marites, baka buntis na si KC at itinatago lang ang kanyang tiyan.


So, eto na nga, after ilang weeks lang na nagparamdam si KC na hiwalay na sila ng kanyang Swiss boyfriend na si Michael Wuethrich, balik-alindog na ang aktres at mukhang nagpapapayat na nga uli.


Well, hindi lang naman siguro si KC ang medyo tumataba kapag nagkakadyowa kasi 'di ba, nandiyan 'yung panay ang date n'yo at eat sa kung saan-saan just to get to know each other.


At aminiiin, masarap kumain kapag meron kang kapiling! 


Oh, ha?! Talbog!


Pero teka lang, napansin lang namin, parang kung ang mga fans ni KC ay happy sa mga nangyayari sa buhay niya tulad nitong medyo pagpayat niya, bakit 'di yata namin nakikitang nagla-like man lang ang kanyang Mama Sharon Cuneta, Dad Kiko Pangilinan at mga kapatid sa ina?



Until now kaya, hindi pa rin naaayos ang mga misunderstanding at tampuhan nila?

Hmmm… sabagay, time heals all wounds naman kaya hayaan na nga lang nating panahon ang gumamot sa mga tampururot nila sa isa't isa.


 

Naging emosyonal naman si Tito Boy Abunda sa Father's Day at Pride Month episode ng CIA with BA na mapapanood sa Linggo, 11 PM sa GMA-7 dahil tungkol sa relasyon ng ama at anak na bading ang tinalakay nila.


Dumulog si Yuri sa segment na Case 2 Face para i-share ang kanyang mga laban kasama ang amang si Tatay Marcos na hindi tanggap ang kanyang pagiging member ng LGBT.


“Gusto niya po akong maging isang tunay na lalaki. Ginawa ko naman po ang lahat pero pusong babae po talaga ako,” pahayag ni Yuri.


Inamin ni Tatay Marcos na may mga pagkakataon na nasaktan niya si Yuri na sa paniniwala niya ay para disiplinahin ang anak.


Ang gusto lang naman daw ng ama ay magsumikap sa trabaho ang anak na bading at hindi 'yung uubusin ang suweldo sa mga barkada at inuman. 

Ang payo ni Sen. Alan Peter Cayetano, “We can disagree with his choices pero mahal pa rin siya. We can disagree with [his] lifestyles, pero respetuhin pa rin siya. Karapatan mo na sabihin sa anak mo na, ‘Ito ang mali, ito [ang] tama.’


“Maaaring sa mind mo, mas magiging maigi ang buhay niya kapag siya’y naging straight, ‘pag hindi siya bakla, pero ‘pag inilagay mo sa sako’t ginulpi, may epekto po ‘yun, ‘Tay, eh.” 

So, hanggang payo lang daw ang puwedeng ibigay ng magulang pero hindi para mag-decide sa buhay ng anak.


Bilang member naman ng LGBTQIA+ community, nagbahagi si Tito Boy ng kanyang mga saloobin sa pagtatapos ng segment.

“Parati ko pong sinasabi na ang pagmamahal ng isang LGBT person ay pantay sa pagmamahal ng kahit sino. Ipinapaliwanag ko po ‘yung karapatan naming mabuhay,” saad ng award-winning talk show host.

Dagdag pa niyang payo kay Tatay Marcos, “Tatay, he’s gay, he’s human, anak ng Diyos po ‘yan, at higit sa lahat, anak n'yo po ‘yan kaya ‘yung pagmamahal mo ay hindi dapat ipakiusap ni Yuri. 

“Maraming mga bakla, mga lesbian, LGBT people ang inuuna ang kanilang pamilya kaysa sa kanila. Ako, did I choose to be gay? Hindi po. Kami’y naniniwala kasi na anak din kami ng Diyos and we were born, we were created to be who we are. Buksan n'yo ho ang puso n'yo. Tao ho ‘yan. Mabuting tao ho ‘yan,” pagtatapos ni Tito Boy.

Kaya sa mga pamilya na may ganitong sitwasyon, don't miss CIA with BA this Sunday, 11 PM sa GMA-7 at may replay sa GTV sa sumunod na Sabado, 10:30 PM.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page