top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Jessy, kaya todo-parinig noon… NANG-SCAM NG P66 M KAY LUIS, BFF MULA BATA AT BEST MAN PA SA KASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 3, 2023



Napakalaking halaga pala ng na-scam kay Luis Manzano sa mga negosyong pinasok niya.


Tumataginting na P66 M ang inilabas niya para makapagpatayo ng negosyo hindi lang para sa kanya kundi para rin sa mga kaibigan niya.


Nasabi namin ‘yan kasi nadiskubre namin na hindi lang business partner ni Luis ang Chief Executive Officer ng Flex Fuel Petroleum Corporation na si Ildefonso ‘Bong” Medel kundi childhood friend at naging Best Man pa sa kasal ng TV host-businessman kay Jessy Mendiola.


At bukod sa Flex Fuel, business partner din ni Luis si Bong sa kilalang taxi business niya, ang LBR Taxi. Pagkatapos, itinayo nila ang Flex Fuel noong 2020. Si Luis ang Chairman of the Board at si Bong naman ang CEO. Pero, nag-resign na si Luis last year.


May nakapagsabi rin sa amin na bago pa man nag-resign si Luis sa Flex Fuel ay may mga nakikita na siyang problema sa kumpanya. Hindi raw maayos ang pagpapatakbo at kahit sinasabihan na ni Luis na ayusin, ‘di naman ginagawa.


Hanggang sa may mga lumalapit na raw kay Luis na mga investors at humihingi ng tulong sa kanya para mabawi ang kanilang investment sa Flex Fuel. Doon lang daw nalaman ni Luis na hindi pala naibabalik ang perang kinita ng mga nag-invest sa Flex Fuel.


Ipinarating naman daw agad ni Luis ang mga nakaabot sa kanya na hinaing ng investors sa mga executives ng company, pero hindi nagawan ng aksiyon.


Hindi siguro alam ng mga investors na nagbitiw na si Luis sa Flex Fuel last year. Kasi siya pa rin ang nilalapitan ng mga tao at nagpapatulong para makuha ang kanilang investment.


At ang siste pa, pilit na idinadawit pa rin daw si Luis sa problema ng kumpanya sa mga investors.


Nu’ng nakarating sa pamilya at mga kaibigan ni Luis ang insidente, hinikayat nila ang mister ni Jessy Mendiola na magsalita na para lumabas ang katotohanan.


Pero ‘di raw pumayag si Luis. Mas pinili nitong protektahan ‘di ang kanyang sarili kundi ang mga investors.


Kapag nagsalita raw kasi siya, tiyak na maaapektuhan ang kumpanya at maaaring mag-cause ng downfall nito. Kapag nangyari ‘yun, lalo raw walang makukuha ang mga nag-invest ng pera nila sa Flex Fuel.


Duda namin, may kinalaman sa sitwasyon ni Luis sa kanyang “kaibigan” at CEO ng Flex Fuel ang ipinost ni Jessy sa kanyang Instagram story last year. May parunggit kasi si Jessy tungkol sa isang tao na naninira raw sa kanyang mister.


Heto ang say ni Jessy, “When someone says something bad about you, always remember that it is the only way his/her insignificant self can feel better than you. The most important thing is, you know who you are and you don’t step on other people’s toes just to get where you are.


“Saying something bad about the person says a lot more about your true character than the person you are trying to bring down.


“Wives, it is okay to cut people off from your husband’s life, especially if it is the only way to protect him and your family from danger. Protecting your family fiercely is your duty as a mother and also as a wife. There’s a reason why God showed YOU their true colors.”

Tama kaya ang duda namin?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page