JESSY, IPINATANGGAL SA YT ANG FAKE VIDEO NA MAY CLEFT PALATE RAW ANG ANAK
ni Nitz Miralles @Bida | February 10, 2023

Humingi na ng tulong si Jessy Mendiola na maalis sa YouTube ang accounts na nagpakalat ng malicious at fake news na kaya ayaw pa nilang ipakita ang mukha ng baby nilang si Baby Peanut ay dahil may cleft palate/lip ang baby.
“Please help us take down this video/account by clicking the link and report as child abuse or harassment,” unang post ni Jessy.
Isinama nito ang video na makikita sila ni Luis at nasa gitna ang photo ng isang baby na may cleft palate/lip.
Sa isa pa nitong post, sabi ni Jessy, “It is NEVER okay to spread FAKE news. It is NEVER ok to spread negativity about having cleft palate/lip. Respetuhin sana natin 'yung totoong may ganito.”
Click bait naman talaga ang mga accounts na nag-report na may cleft palate/lip ang baby nina Jessy at Luis dahil hindi muna ipinakita ang mukha. Nang magkaroon na ng face reveal si Baby Peanut, hindi yata nag-apologize ang mga tinukoy ni Jessy na YouTube accounts.
Sino kaya ang mga magulang ng mga batang may cleft palate/lip na ginamit ang mga larawan para sa maling balita sa anak nina Jessy at Luis? Paano kung pati sila ay magreklamo?





Comments