top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

JESSY, IDINISPLEY SA SOCMED ANG DIAMOND EARRINGS NG ANAK NILA NI LUIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 18, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 18, 2023



Finlex ni Jessy Mendiola ang kauna-unahang diamond earrings ng anak nila ni Luis Manzano na si Baby Rosie.


Sey ni Jessy sa kanyang Instagram post, “Ready to get her ears pierced courtesy of Manila Diamond Studio that will be used by Baby Peanut.”


Kahit na bata pa at hindi niya masyadong naiintindihan ang mga nangyayari sa kanyang paligid, makikita naman sa mukha ni Baby Peanut na happy ito sa bagong milestone sa buhay niya at a very young age.


Talaga namang mapapa-“sana all” na lang ang mga netizens sa napakabonggang si Baby Rosie.


Biruin mo, sanggol pa lang, nakasuot na ng mamahaling diamond earrings! Oh, sa’n ka pa?!


Kahit na isinusukat pa lang ni Jessy sa baby girl nila ni Luis ang mamahaling hikaw, hindi maipagkakaila na bagay na bagay nga ito kay Baby Rosie.


Anyway, very happy naman ang mga fans and supporters nina Jessy at Luis dahil sa tuwing may mga bagong nangyayari kay Baby Rosie ay ibinabahagi nila ito sa kani-kanilang social media accounts.


Kaya naman, habang lumalaki ang little princess nila ni Luis ay kinagigiliwan siya ng mga netizens, lalo na kapag nakikita ng mga fans na giliw na giliw si Ms. Vilma Santos sa kanyang unang apo sa panganay na anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page