Jerusalem, nakaabang sa bagong world title match
- BULGAR

- 13 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 12, 2026

Photo: File / Melvin Jerusalem
Nanatiling tahimik na naghihintay at nag-aabang si two-time world champion Melvin “El Gringo” Jerusalem sa susunod na makakatapat sa magwawagi sa pagitan nina reigning World Boxing Council (WBC) minimumweight titlist Siyakholwa Kuse ng South Africa at World Boxing Association (WBA) regular mini-flyweight Japanese champion Ryusie Matsumoto ng Japan.
Matapos mabitawan ang WBC title noong Mayo 16 sa pagdayo sa Gauteng, Kempton Park sa Emperors Palace sa South Africa, na nagtapos sa 12-round unanimous decision para kay Kuse, isinantabi muna ang naunang planong trilogy at binigyang-daan muna ang unang title defense ng South African.
“Waiting lang kami kung sino ang mananalo sa kanila,” pahayag ni head trainer Michael Domingo sa panayam ng Bulgar Sports kahapon, na nilinaw na mayroon silang rematch clause sa kontrata. “Still training naman si Melvin para sa next opportunity,”
Tuloy pa rin ang ensayo ng 32-anyos na tubong Manolo Fortich, Bukidnon upang maging handa anumang oras na nabigong madepensahan ang korona sa ika-apat na pagkakataon, upang maging tabla ang harapan nina Jerusalem (25-4, 12KOs) at Kuse (10-3-1, 4KOs).
Inamin rin ni Domingo na abang rin sila sa tuluyang pag-angat ni unified WBA (Super) at World Boxing Organization (WBO) kingpin Oscar “El Pupilo” Collazo (15-0, 12KOs) ng timbang, upang maikasa ang anumang laban kay Jerusalem na No.1 sa WBC, No.2 sa WBO rankings at No. 7 sa International Boxing Federation (IBF) title na hawak ni Pinoy Pedro “Kid Pedro Heneral” Taduran, na sinusubukang ipares kay unbeaten Spaniard Brandon Moreno (16-0, 5KOs).





Comments