Kasikatan at kinita ni Eala sa 2026, tagumpay ng 'Pinas

by Gerard Arce @Sports News | November 15, 2026

Photo: Alex Eala -
Naging matagumpay ang taon ng 2026 para kay Filipina tennis ace Alexandra “Alex” Eala na nilikha ang pinakamataas na rankings sa karera sa World No. 15, kaakibat ang pagkubra ng kabuuang $2,087,795 o mahigit sa P133.5 milyon mula sa pagsabak sa Women’s Tennis Association (WTA) tournaments.
Bagong bituin sa larangan ng tennis ang 21-anyos na lefty swinger sa WTA Rankings mula nang magtagumpay sa semifinals ng 2025 Miami Open.
Nagsimula lang sa World No. 168 sa rankings si Eala at matapos ang mahigit isang taon ay nasa Top-20 na ito kasunod ng kauna-unahang WTA Tour title sa WTA 500 Mubadala Open at runner-up finish sa Prudential Hong Kong Open.
Nakamit ni Eala ang pinakamalaking naibulsa sa round-of-16 finish sa 2026 Wimbledon Open sa $401,837 o mahigit sa P25 milyon, habang nakakolekta ito ng $252,000 o mahigit sa P16M sa pagiging kampeon sa DC Open sa Washington habang nakapag-uwi rin ng $290,000 o mahigit P18.5M mula sa kampanya sa US Open.
Isama pa ang $33,650 o mahigit sa P2M para sa pagkapanalo ng titulo sa Birmingham WTA 125, at $22,125 o mahigit sa P1.4M para sa pagtatapos bilang runner-up sa Hong Kong Tennis Open. Kung susumahin ay aabot na ang kabuuang premyong napanalunan ni Eala sa kanyang karera sa US$3,451,480 o mahigit sa P220.75 milyon.





Comments