top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

Pistons niyanig ang Wizards sa 2 OT, Curry may sakit sa tiyan

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | November 14, 2026



Pistons niyanig ang Wizards sa 2 OT, Curry may sakit sa tiyan

Photo: Naging matibay ang laro nina Duncan Robinson katuwang si Daniss Jenkins sa Detroit Pistons bagamat umagat sa 2OT ang laban sa Wizards. (NBA)



Dalawang overtime ang kinailangan bago nasugpo ng bisitang Detroit Pistons ang Washington Wizards, 144-140 sa NBA kahapon sa Capital One Arena. Patuloy ang mga panalo ng Minnesota Timberwolves laban sa Dallas Mavericks, 133-94.


Bumanat sa pangalawang overtime ng lima ng kanyang kabuuang 52 puntos si Cade Cunningham. Nag-shoot ng paniguradong free throw si Kevin Huerter na may 11 segundo sa orasan at mabitin ang huling hirit ng palaban na Wizards na naubusan ng milagro.


Bumira ng tres sabay sa busina si Trae Young para ipilit ang 5 pang minuto, 121-121. Itinakda ni numero unong rookie AJ Dybantsa ang pangalawang overtime sa buslo na may 3 segundong nalalabi, 132-132.


Pinutol ng Wolves ang tatlong sunod-sunod na panalo ng Mavs sabay nagtala ng ika-5 sunod at kartadang 9-3, sapat para maging pangatlo sa Western Conference. 


Bumida si reserba Bones Hyland na may 24 at LaMelo Ball na may 22.  Nagtrabaho sa pangatlong quarter sina Tyrese Maxey at Joel Embiid para lumayo at tuluyang itala ng Philadelphia 76ers ang 123-112 panalo sa Toronto Raptors.  Uminit ang shooting ni Devin Booker para sa 30 at tagumpay ang Phoenix Suns sa Charlotte Hornets, 101-96. 


Samantala, dalawang linggong liliban si Stephen Curry dahil patuloy ang pagsakit ng sikmura. Napilay si Austin Reaves sa sakong at tinatayang 10 laro uupo na aabot ng Disyembre.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page