Jerald, inaway… KIM, NAGSELOS SA VIVAMAX STAR, TV BINASAG
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 8, 2026

Photo: Kim Molina - Instagram
“Meron kaming prenup, tapos nakalimutan na lang namin kasi busy kami, may trabaho kami, so ‘di na kami nakapag-prenup,” ito ang natatawang kuwento ni Kim Molina sa panayam nila ni Jerald Napoles sa YouTube (YT) vlog ni Matteo Guidicelli na Matteo G. Primetime.
Natanong kasi ng host kung sino ang mas malaki ang talent fee (TF) at sinagot kaagad ni Jerald na si Kim.
“Is that an issue?” balik-tanong ni Matty sa mag-asawa na sinagot nila ng “Hindi.”
Hirit ni Kim, “Kasi kung ano ang talent fee n’ya, akin na ‘yun.”
“‘Yun nga, kaya nga Kim, eh, papunta sa kanya lahat,” sagot ni Jerald sabay pakita ng isinulat niya.
Dagdag pa, “Kung ano ang talent fee ko, kung ano ang ibabalik n’ya, sa akin.”
Tanong ni Matteo, “So conjugal?”
“No naman, may sari-sarili naman kami talaga na pera, it’s just that we don’t see it as separate or conjugal because there are times na bago kami ikasal, nu’ng wala ako, she helped me tapos nu’ng s’ya rin, we helped each other. ‘Pag ganu’n kasi ang nangyari, ‘di n’yo na iniisip ‘yung pera, eh. ‘Bakit ikaw may pera, ako wala?’ ‘Di na ganu’n,” esplika ni Jerald na umayon naman ang wifey niya.
“Money is the root of every evil kumbaga, and money can really affect a relationship over loving and anything and I think it’s very important that before getting married, this discussion is very hard and very important,” opinyon ni Matteo.
Nabanggit naman ng aktres na malaking tulong na nakalakihan niya na hindi nag-aaway ang magulang niya pagdating sa pera at ito rin ang mahigpit na bilin sa kanilang magkakapatid na huwag silang mag-aaway ni Jerald pagdating sa pera.
“Kaya nag-pray ako talaga na sana, makahanap ako ng makakasundo ko sa ganu’n at si Je ‘yun,” nakangiting sabi ni Kim.
“So you’re really aligned with finances and everything?” tanong ni Matty.
“Yes, and we talk about things and there are also like may mga dreams din kami like for example, he wants his own place and kanya ‘yun. Ayokong akin din s’ya,” katwiran ni Kim.
At dito na nabanggit ng aktres na dapat ay may prenup sila pero hindi nga natuloy dahil naging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho.
“Pero ‘yun nga, there are certain properties na kanya lang, tapos iba akin, para meron s’ya, meron ako,” diin ni Kim.
“That’s nice na pinag-usapan talaga kasi minsan, sasabihin, ‘Mahal kita,’ tapos along the way, mag-aaway na,” sey ni Matteo.
Samantala, inamin ni Jerald na sobrang selosa si Kim at talagang nagkaroon sila ng away dahil may pinagselosan itong sexy star nu’ng gumawa ang aktor ng pelikula sa Vivamax.
Tinanong ni Matteo si Kim na kung halimbawang mag-offer ang Viva ng movie kay Je, “Nangyari na, Matteo, tapos na!” nanlalaking mga matang sagot ng misis ng aktor sabay turo kay Jerald, “Ako ang magkukuwento, ha!”
“Oo, ikaw magkuwento kung ano ang bersiyon, ‘yun ang tama!” saad ng hubby ni Kim.
“Nu’ng nag-uumpisa ang Vivamax, oo Matteo, nag-Vivamax ‘yan!” diin ni Kim.
Hindi raw wholesome ang pelikulang ginawa ni Jerald sa Vivamax, bagay na ikinatawa ng aktor sa paulit-ulit na sagot ni Kim at sa paulit-ulit na tanong ni Matteo.
“Kakasabi lang, paulit-ulit, gusto mo yata kaming mag-away?” tanong ni Kim kay Matty.
At dahil nagselos nga si Kim sa leading lady ni Jerald, kaya nasira ang malaking TV set nila na kabibili lang.
Naikuwento ni Kim kay Dimples Romana na nasira ang TV set kaya ang tanong sa kanya ay kung ano’ng ginawa niya kung bakit nasira.
“Kasi nga nagselos ako! At binilhan kami ni Ate Dimples ng bagong TV at sabi n’ya, kunin namin sa mall, tapos pagdating sa mall, may malaking note na nakalagay, ‘‘Wag na kayong mag-away.’ Kaya alam ng mga staff sa mall na nag-away kami kaya binilhan ng bagong TV set,” kuwento ni Kim.
“Kaya pala nilalambing-lambing ako nina Boss Vic (Del Rosario) na hihiramin nila si Je,” tsika pa ni Kim.
“Ano ba’ng eksena? Holding hands?” tanong ni Matteo.
“Hindi, holding parts of the body!” diin ni Kim.
“Hahaha! May intimate (scene),” say ni Je.
Sa kasalukuyan ay papayagan na raw ni Kim na gumawa ulit ng pelikula si Jerald na may ibang leading lady at depende sa TF since mag-asawa na sila.
Gayun din si Jerald Napoles, papayagan din niya si Kim Molina dahil nagawa na rin naman nito dati sa MOMOL Nights kasama si Kit Thompson.





Comments