JENNYLYN, 'DI MA-TAKE NA TUMABA DAHIL NANGANAK
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 7, 2023

Inamin ni Jennylyn Mercado na naapektuhan ang kanyang self-confidence nang madagdagan ang timbang niya matapos isilang ang panganay nilang anak ni Dennis Trillo.
Ibang-iba raw ito noon nang ipagbuntis at ipanganak niya ang kanyang unang anak sa ex-boyfriend na si Patrick Garcia.
Dati raw kasi ay hindi siya nahirapan na magbawas ng timbang at ibalik ang kanyang self-confidence. Pero iba ang case ngayon kasi sumailalim siya sa caesarean operation upang isilang ang kanilang anak ni Dennis.
Dahil nga rito, limitado lang ang galaw ni Jennylyn at hindi siya puwedeng magbuhat ng mga mabibigat na bagay at pumunta ng gym upang mag-workout at mag-exercise.
Narito ang mga komento ng mga netizens tungkol sa ginawang pag-amin ng Kapuso actress sa kanyang sitwasyon…
Ang harsh na sey ng isa, “I think what matters the most is her being a mother. Focus on your responsibilities first as a mother and set aside vanity for a while.”
Pagtatanggol naman ng commenter kay Jennylyn, “Hindi ka artista kaya ‘di mo alam ang nararamdaman niya. What she feels is valid dahil artista siya at kailangan nila ni Dennis na mag-work. Showbiz is their bread and butter and everyone knows kung gaano katindi manlait ang mga tao. May image and branding siya na kailangang i-maintain so she can get more projects, hence more money, so they can provide for their family.”
“Vain? Artista siya. Puhunan ang looks. Unlike you na kahit lumba-lumba at ‘di maganda, puwede ka pa ring mag-work sa office.”
“Si Dennis naman ang partner niya na kilala nating in demand actor. Actually, she can be a housewife for years and for sure, walang angal si Dennis du’n. But Jen really wants to work.
Remember, teen-ager pa lang ay nagtatrabaho na siya, tapos naging single mom pa. ‘Di siya sanay na umaasa lang sa guy, she wants to have her own money.”
“Ever since, simple na ‘yan si Jennylyn. She is not vain. Wala tayong right na sabihan siya ng kung anu-ano. May sarili silang setup ni Dennis at labas na kayo ru’n.”
“Jen is called the Ultimate Star, ‘di ba? She’s pretty, sexy, can sing, can act and can do drama and rom-coms, aside from those, she can host too. Kumbaga, all-in-one package kaya need niya na fit siya ulit for her next projects.”





Comments