top of page
Search
  • BULGAR

JENNYLYN, AYAW KUMUHA NG YAYA PARA SA BABY NILA NI DENNIS

ni Nitz Miralles - @Bida | August 17, 2022



Binatilyo na ang panganay ni Jennylyn Mercado na si Jazz at binati niya ito sa Facebook nang mag-14th birthday nu'ng isang araw.


Ipinost ni Jen ang old photo nitong kita ang kaguwapuhan.


Maiksi lang ang birthday greetings ni Jennylyn sa anak at sabi, “Happy Birthday to the love of my life. You and your baby sister are the best thing that ever happened to me. Mahal na mahal kita Jazz.”


Hindi masyadong nagpo-post si Jennylyn ng photo ni Jazz na okay na rin para may privacy ito. At pati nga si Baby Dylan, hindi rin ipino-post nina Jennylyn at Dennis Trillo ang picture ng bagets.


Minsan lang nilang ipinakita ang mukha ng baby sa vlog ni Jennylyn.


Ang nakikita lang namin sa post ni Jennylyn kay Jazz, sporty siya at madalas ay kasama niya sa pagba-bike si Dennis at ang anak nitong si Calix. Two years from now, may binata na si Jennylyn.


Speaking of Jennylyn, tila hindi pa siya ready na muling magtrabaho at ayaw iwan si Baby D na sabi nga ni Dennis, hands-on sila sa pag-aalaga. Silang dalawa lang ni Jennylyn ang nag-aalaga at wala yatang yaya ang baby.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page