Jennylyn at Dennis, kasal na!

ni Jasmin Joy Evangelista | November 16, 2021

Ikinasal na ang showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kahapon.
Sa FB page ni Jennilyn ay nag-post ito ng larawan ng seremonya sa kanilang pag-iisang dibdib.
Isinagawa ang kasal halos tatlong linggo matapos na ianunsiyo ang kanilang engagement at ang pagdadalantao ng aktres.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Kapuso couple hinggil dito.
Matatandaang noong 2011 ay naghiwalay ang dalawa at noong 2015 ay nagkabalikan din.





Comments