top of page

JEFFREY HIDALGO, SINGER NOON, DIREK NG SEXY MOVIE NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 20, 2022



"Direk, bakit ang mga pelikula mo ngayon, ganito na ang tema? Parang ang layo sa image mo?" ang bungad namin kay Jeffrey Hidalgo na kilalang mang-aawit at dating miyembro ng Smokey Mountain, at natawa siya sa tanong namin.


Wholesome kasi ang nabuong imahe sa amin ni Direk Jeff lalo’t nasubaybayan din namin ang singing career niya hanggang sa nag-shift na siya sa pag-arte at ngayon nga ay nagdidirek na.


Masyadong malikot ang imahinasyon ng inhinyerong ito tulad sa una niyang pelikula sa Vivamax na napanood namin, ang Eva na pinagbidahan nina Angeli Khang, Marco Gomez at Saab Aggabao na super-layo sa debut film niyang Silong na pinagbidahan naman nina Piolo Pascual, Guji Lorenzana at Rhian Ramos.


Ang kasunod na tanong namin, bakit Lampas Langit ang titulo?


“Kasi 'yun ‘yung novel na isinusulat sa istorya.”


Pero iba ang nasa isip namin kung bakit Lampas Langit.


“Yeah, double meaning kasi, kung ano ‘yung inisip mo, 'yun na ‘yun,” say ng binatang direktor.


Matindi ang sex scenes dito nina Baron Geisler at Christine Bermas kaya tiyak na pagpipiyestahan na naman ito ng mga subscribers ng Vivamax dahil bagong putahe na naman ang mapapanood nila at talagang lampas langit ang biyahe nila simula kahapon, Biyernes, Agosto 19.


Anyway, natanong si Christine na bida ng Scorpio Nights 3 kung ano pa ang puwede niyang ipakita sa Lampas Langit na hindi pa niya nagawa sa launching movie niya.


Aniya, ipinakita na niya nang todo-todo at kung may frontal nudity siya sa Scorpio Nights 3, sa Lampas Langit ay itinodo na niya lahat.


“Both of them are very sexy, but mas may kakaibang drama ang Lampas Langit kasi it’s also a thriller.


“The story revolves on two couples. Una, kami ni Sir Ricky Davao. Then, sina Baron Geisler and Chloe Jenna, who play husband and wife,” kuwento ng sexy star ng Viva Films sa ginanap na face-to-face mediacon nitong Miyerkules, Agosto 17.


Ang award-winning screenwriter na si Racquel Villavicencio ang sumulat na idinirek nga ni Jeffrey Hidalgo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page