top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Jeep tumagilid, 65-anyos dedo, 8 sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
14 minutes ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | September 14, 2026



Jeep sumalpok sa poste, tumagilid - MDTEU-VTIS Circulated

Photo: Jeep sumalpok sa poste, tumagilid - MDTEU-VTIS / Circulated



Patay ang isang 65-anyos na babae habang walo ang sugatan matapos tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa Rizal Avenue Extension sa Santa Cruz, Maynila, alas-4:30 ng hapon nitong Sabado.


Ayon kay Police Major Joel Aquino, sinabi ng driver na nawalan umano ng preno at kontrol ang jeep bago ito sumalpok sa isang bakal na poste.


Ayon sa isang sugatang pasahero na tumangging magpakilala, matalik niyang kaibigan ang nasawi. Aniya, mabilis ang takbo ng jeep bago ito sumalpok sa poste.


Batay sa paunang ulat, nasawi ang matanda nang bumaon at tumagos sa katawan nito ang isang mahabang bakal.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver habang nagpapagaling sa ospital ang iba pang sugatan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page