top of page
Herlene Budol - IG.jpg

800 Pinoy na na-deport mula Malaysia, balik-'Pinas na

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 2, 2026



800 Pinoy na ipinadeport mula Malaysia aya nakabalik na sa Pilipinas - DSWD IX

Photo: 800 Pinoy na ipinadeport mula Malaysia ay nakabalik na sa Pilipinas - DSWD IX



Nasa 800 Pilipino na ilegal na nagtatrabaho at nanirahan sa Sabah, Malaysia ang na-deport at nakabalik sa bansa sa pamamagitan ng barko na dumaong sa pantalan sa Zamboanga City.


Dumating ang mga na-deport na Pinoy sakay ng MV Antonia 1 mula sa Sandakan, Sabah at nakarating sa Zamboanga City nitong  Biyernes ng gabi.


Karamihan sa mga na-deport ay nagmula sa detention centers sa Sandakan, Papar at Tawau, sa Sabah.


Kabilang sa mga na-deport ay 589 na mga kalalakihan, 89 na kababaihan at 128 na mga batang lalaki at babae na 12-anyos pababa.


Ito ang ikalawang batch ng Filipino deportees na dumating sa bansa, una noong January 2026.


Ang mga deportee ay tinutulungan na ng DSWD IX para makabalik sa kani-kanilang mga pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page