top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jazz, Wolves, Rockets at Hornets, bumida

BULGAR
Oct 22, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 22, 2021





Maganda ang naging simula ni Sixth Man Jordan Clarkson at Utah Jazz at dinurog nila ang bisitang Oklahoma City Thunder, 107-86, kahapon sa pangalawang araw ng NBA mula sa Vivint Arena. Dominante ang inilaro ng Jazz na determinadong makamit ang unang kampeonato ng prangkisa buhat noong 1974 bilang New Orleans Jazz.

Nanguna agad sa atake si Clarkson at bumuhos ng 15 puntos sa first half para bigyan ng 54-42 lamang ang Jazz. Nagtapos si Clarkson na may 18 puntos. Namuno sa Jazz si Bogdan Bogdanovic na may 22 puntos. Tig-16 puntos ang mga All-Star Donovan Mitchell at Rudy Gobert na humakot din ng 21 rebound.

Nanguna sa Thunder si Shai Gilgeous-Alexander na may 18 puntos Susunod para sa Jazz ang Sacramento Kings ngayong Sabado sa Golden 1 Center.

Samantala, hindi naging maganda ang simula ng karera ni Fil-Am rookie Jalen Green at lumuhod ang Houston Rockets sa Minnesota Timberwolves, 106-124, sa maagang tapatan ng dalawang kulelat na koponan ng Western Conference noong 2020. Nagtala si Green ng 9 na puntos lang. Tumalon ang Rockets sa 5-1 na lamang subalit hanggang doon na lang sila at puro Timberwolves ang bumida. Kasama sa first five, ipinasok ni Green ang unang opisyal na buslo bilang ganap na NBA player na may 3:52 nalalabi sa first quarter ngunit kontrolado na ng Minnesota ang laro, 22-13.

Double-double si Karl Anthony Towns na 30 puntos at 10 rebound at sinundan ni Anthony Edwards na ipinasok ang 10 ng 29 puntos sa first quarter. Hindi malayo si D’Angelo Russell sa 22 puntos.

Nanguna para sa Rockets sina Christian WoodM 16 puntos at Eric Gordon, 15 puntos. Sa ibang mga laro, kinailangan ng Charlotte Hornets ang dalawang free throw ni PJ Washington na may 4.6 segundong nalalabi upang takasan ang bisitang Indiana Pacers, 123-122. Nanaig sa double overtime ang New York Knicks vs. Boston Celtics, 138-134. Nanalo ang Washington Wizards sa Toronto Raptors, 98-83.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page