top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Jazz, umangat, 76ers at Pacers, nagpasiklab muli sa kartada

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 31, 2022



Itinaas ng numero unong Milwaukee Bucks ang perpekto nilang kartada sa 5-0 matapos talunin ang bisitang Atlanta Hawks, 123-115, sa NBA kahapon mula sa Fiserv Forum.


Kasunod nito ay umangat sa pangatlo ang Utah Jazz sa Western Conference matapos takasan ang bisitang Memphis Grizzlies, 124-123.


Komportableng lamang ang Bucks sa fourth quarter, 99-89, subalit nagpabaya sila at inagaw ng Hawks ang abante, 107-106, sa three-points ni Trae Young at apat na minuto sa orasan. Mula roon ay nagsama sina Giannis Antetokounmpo at Jrue Holiday para sa 15 ng huling 17 puntos ng Milwaukee na nagbalik sa lamang at pigilin ang mga banta ng Hawks.


Parehong double-double sina Giannis na 34 puntos at 17 rebound at 34 puntos at 12 assist si Holiday. Kinulang ang mainit na shooting ni Young na gumawa ng 42 puntos mula sa limang tres na sinundan ni Dejounte Murray na may 21 puntos.



Humataw ang Jazz sa last two minutes kung saan bumanat ng magkasunod na tres sina Kelly Olynyk at Malik Beasley para sa 124-120 lamang at 23 segundo sa orasan.


Nagbanta ang Grizzlies sa three-points ni Dillon Brooks, 123-124, subalit kumapit ang Utah sa huling 15 segundo para sa kartadang 5-2.


Parehong 23 puntos sina Olynyk at Beasley at sinundan ni kabayan Jordan Clarkson na may 21 puntos. Nanguna sa Memphis sina Desmond Bane na may 32 at Brooks na may 30 at sinubukan nila takpan ang pagliban ni Ja Morant dahil sa karamdaman.


Sa ibang mga laro, sumandal ang Philadelphia 76ers sa 25 puntos ni Joel Embiid para patahimikin ang Chicago Bulls, 114-109. Itinulak ng Indiana Pacers ang Brooklyn Nets sa ilalim ng Eastern Conference, 125-116, sa likod ng 32 puntos ni Benn Mathurin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page