top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Jazz, pinarusahan ang Raptors; Nuggets, tersera na sa West

  • BULGAR
  • May 3, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 03, 2021




Isang araw lang ang lumipas at balik na sa liderato ng buong NBA ang Utah Jazz matapos nila parusahan ang bisitang Toronto Raptors, 106-102, kahapon sa Vivint Arena. Malaking papel ang ginampanan nina Bojan Bogdanovic at Pinoy pride Jordan Clarkson para sa kanilang ika-46 na tagumpay sa 64 laro.

Pumukol ng anim na tres si Bogdanovic para sa 34 puntos at sinundan ni Clarkson at Joe Ingles na parehong may 15 puntos. Pinabayaan ng depensa na bumuhos ng 62 puntos ang Toronto sa first half subalit nagising at naghigpit ang Utah at 40 na lang ang nagawa ng kalaban.

Umakyat sa ikatlong pwesto sa Western Conference ang Denver Nuggets at hinila pababa ang Los Angeles Clippers, 110-104. Umani muli ng magandang laro ang Nuggets (43-21) kay Nikola Jokic na may 30 puntos at 14 rebound at Michael Porter Jr. na may 25 upang lumamang ng kalahating laro sa Clippers (43-22).

Umapoy para sa 23 puntos sa third quarter si Stephen Curry at tinambakan ng Golden State Warriors ang Houston Rockets, 113-87. Kahit hindi na ginamit ni Coach Steve Kerr sa 4th quarter, nanguna pa rin si Curry na may 30 puntos buhat sa pitong tres.

Sumandal ang Dallas Mavericks sa ika-anim na tres ni Dorian Finney-Smith na may 9.3 segundong nalalabi upang makatakas sa Washington Wizards, 125-124. Halimaw si Luka Doncic sa triple double na 31 puntos, 12 rebound at 20 assist habang 22 puntos si DFS.

Ipinasok din ni rookie Cole Anthony ang tres sabay sa huling busina upang itulak ang Orlando Magic sa 112-111 panalo sa Memphis Grizzlies. Nagtapos si Anthony na may 26 puntos at saglit naantala ang pagpasok ng Grizzlies (32-31) sa playoffs.

Lumapit ang Atlanta Hawks sa playoffs at inalo ang Chicago Bulls, 108-97. Bumida si Trae Young na may 33 puntos at double-double si Clint Capela na 20 points at 11 rebound.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page