ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 14, 2024
Aminado si Jasmine Curtis-Smith na malaking challenge for her ang kanyang role sa bagong serye niya sa GMA-7 na Asawa ng Asawa Ko.
Sa nasabing serye ay ginagampanan niya ang role na asawa ng karakter ni Rayver Cruz na first time rin niyang nakatambal.
“There’s a lot of challenges sa akin, kasi hindi ko alam kung paano maging asawa,” natatawa niyang sabi sa mediacon.
“'Yun ‘yung biggest challenge – learning how to become and to portray a wife and also a mother. And paano namin ‘yun na-achieve, paano namin napuntahan ‘yun, for me, ang dami kong kailangang i-bend na experience in my own life,” aniya.
Pero natutuwa naman daw siya na si Rayver ang leading man niya dahil magaan itong katrabaho lalo na sa mabibigat na eksena.
“It’s been really fun na makasama si Rayver as a cast, as a leading man lalo na kapag may mga mabibigat na eksena. And pagkatapos ng mga eksenang ‘yun, napakadaling mag-bounce back or at least ma-relieve ‘yung sarili mo, ‘yung hindi madala ‘yung emosyon.
“Dahil ano rin siya, eh, as a person, for most of you, kilala n’yo na rin siya – very light, bubbly and a happy-going person. So, it’s nice to feel that meron kang ganu’ng kasama and may support kang nakukuhang ganu’n sa leading man,” sey ni Jasmine.
Magsisimula na sa Jan. 15 ang Asawa ng Asawa Ko sa GMA Prime mula sa direksiyon ni Laurice Guillen. Kasama rin sa serye sina Liezel Lopez, Martin del Rosario, Joem Bascon, Gina Alajar at marami pang iba.
Comments