Japan Kurashiki champ sa PVL, Molina MVP, CCS naka-silver

ni Gerard Arce @Sports | August 1, 2023

Kinapos na madepensahan ng Creamline Cool Smashers ang titulo matapos ang maagang pangambang paglabas sa taraflex court ni team captain at ace spiker Alyssa Valdez kaya nabigong tapusin ang laban kontra Japanese team Kurashiki Ablaze sa dikdikang fifth-setter game sa 25-19, 23-25, 19-25, 25-20, 13-15 nitong Linggo ng gabi sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Todo buhos sa laro sina Diana Mae “Tots” Carlos, Celine Domingo at Jessica “Jema” Galanza upang buhatin ang koponan habang limitado lang sa laro si Valdez sa tatlong sets na patuloy pa ring nagpapagaling sa tinamong knee injury noong isang taon.
“As an athlete, normal lang na merong masakit and ako pa, galing sa injury,” wika ni Valdez. “It's part of the journey of being able to play again, after any injury, merong mga hiccups and challenges pa rin.”
Nagpakita ng magandang senyales ang 30-anyos na 3-time conference MVP sa pagbabalik laro nang umambag ng 58 puntos at itinanghal na isa sa Best Outside hitter.
Bumanat sa CCS si Carlos sa triple double sa 27 puntos, maging si last season Finals MVP na si Domingo sa 20 pts, at Galanza sa 18pts, may 6 puntos si Valdez, may 33 excellent sets si Julia Morado-De Guzman at 6 puntos.
Nagbida sa Kurashiki si Tamaru Asaka sa triple-double 29 points habang bumakas sina Hiraoka Akane ng 14 markers, Yano Yukino at Miho Kawamura ng tig-11pts. Finals MVP si Kyoka Ohshima.
Emosyonal na tinanggap ni dating Best Outside hitter Frances Xinia Molina ang pagiging Most Valuable Player na tinulungan ng husto ang Cignal HD Spikers upang makuha ang third place finish bilang biyaya sa kasipagan pagdating sa opensiba.





Comments