top of page
Search
  • BULGAR

Japan, Germany, Finland at Australia sa FIBA Okinawa

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 25, 2023



Kahit bagyo ay hindi mapipigil ang pagbukas ng 2023 FIBA World Cup sa Okinawa Arena ng Japan ngayong araw. Nawala ng mga pangamba ng mga organizer at nakisama ang panahon subalit naghanda pa rin kung sakaling ililipat ito sa Pilipinas.


Sisimulan ng co-host Japan ang pagtatanggol ng kanilang tahanan laban sa mga bisitang Alemanya sa Grupo E sa 8:10 p.m, oras sa Pilipinas. Bago nito, pagtatagisan ang Finland at Australia sa 4:00 p.m.

Mamumuno sa Japan ang NBA player Yuta Watanabe na kalilipat lang sa Phoenix Suns.


Siya na ang aasahan sa gitna ng pagliban ni Rui Hachimura ng Los Angeles Lakers.


Gagamit din sila ng mas batang naturalized player na si 6’10” Joshua Hawkinson kapalit ng dating PBA San Miguel import Nick Fazekas.


Matinding unang kalaro ang mga Aleman na may apat na kasalukuyang NBA player na sina Dennis Schroder ng Toronto Raptors, Daniel Theis ng Indiana Pacers at magkapatid na Franz at Moritz Wagner ng Orlando Magic. May karanasan din sa NBA si Isaac Bonga na huling naglaro sa Raptors noong 2022.


Kung paramihan ng NBA player ang usapan, isa sa marami ay ang Australia na tampok ang siyam. Una sa listahan ang NBA champion Patty Mills ng Atlanta Hawks kasama sina Josh Green at bagong pirmang Dante Exum ng Dallas Mavericks, Josh Giddey at Jack White ng Oklahoma City Thunder, Dyson Daniels ng New Orleans Pelicans, Matisse Thybulle ng Portland Trail Blazers, Xavier Cooks ng Washington Wizards at Joe Ingles ng Magic.


Ito ang unang sabak ng Finland sa World Cup at sila rin ang may karangalan na pinakaunang nakapasok sa torneo. Sasandal ang mga Finn sa NBA All-Star Lauri Markkanen na kakampi ni Gilas Pilipinas Jordan Clarkson sa Utah Jazz.


Ang Grupo F ay gaganapin din sa Okinawa tampok ang Slovenia at Luka Doncic na koponan na pinili ng Japan na tiyak na maglalaro sa kanilang bansa mismo. Kasama nila roon ang Cape Verde, Georgia at Venezuela

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page