JANNO, NAGBAGO NA MULA NANG MAMATAY ANG PADIR
- BULGAR
- Jan 21, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 21, 2024

Ang laki raw ng ipinagbago sa ugali at attitude ng actor-singer na si Janno Gibbs. Kung dati-rati ay pasaway siya at minarkahan at tinawag na "The Late Janno Gibbs” dahil sa pagiging late sa kanyang mga commitments, ngayon ay ang aga-aga na raw dumarating sa set nu'ng nagsu-shoot siya ng pelikulang Itutumba Ka ng Tatay Ko na siya rin ang direktor at produced ng Viva Films.
Ang yumao niyang ama na si Ronaldo Valdez ang kasama niya sa pelikula. Naka-schedule na for showing ang movie next week.
Hiniling daw ni Janno sa Viva na ilabas na ang Itutumba Ka Ng Tatay Ko bilang tribute at alaala sa amang si Ronaldo Valdez.
Marami naman ang natutuwa na nagkabalikan na sina Janno at Bing Loyzaga matapos magkahiwalay nang matagal. Bumalik sa dati ang masaya nilang pagsasama kapiling ang mga anak.
Samantala, sa 40th day ng kamatayan ni Ronaldo Valdez, balak ng pamilya Gibbs na ikalat ang abo ng yumaong veteran actor sa mga paborito nitong lugar tulad ng Baguio.




Comments