JANNO, 'DI PABOR SA PAMAMAHIYA NI LEA SA MGA FANS
- BULGAR
- Jul 19, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 19, 2023

Sinang-ayunan ni Janno Gibbs si Lea Salonga kaugnay ng trending video nito sa social media kung saan makikitang pinagsabihan niya ang ilang fans na basta na lamang pumasok sa kanyang personal dressing room upang magpa-picture.
Mapapanood sa video na pinagsabihan muna ni Lea ang mga fans na bigla na lang lumitaw sa pinto. Dito na nga niya sinabi na hindi sila dapat pumapasok sa loob ng dressing room dahil wala sila sa guest list at for security purposes na rin.
Pero mapapanood din sa naturang video na sinabi ng isa sa mga fans ng Broadway Diva na kaibigan niya ang aktres na si G Toengi, na isa sa mga producers ng stage play na kinabibilangan ni Lea na Here Love Lies, kaya’t pinayagan silang makapasok.
Kinausap daw mismo ni Lea si G upang kumpirmahin kung talagang kilala ba niya ang mga naturang fans, pero ang isinagot daw nito ay hindi, kaya’t naghigpit na ng security sa lugar.
Samantala, ibinahagi ni Janno sa kanyang Instagram Story ang isang quote card kung saan mababasa ang naging tweet ni Lea hinggil sa isyu.
Ang saloobin ng singer-actor, “Nasa tama naman si Ms. Lea. Bawal talaga sa dressing room/backstage ang wala sa listahan.”
Pero, dinugtungan pa niya ito, “Sana lang, nasabi niya nang mas maayos. ‘Yung hindi mapapahiya ang mga fans. Sa akin lang naman.”





Comments