Janine, may kapalit na talaga… RAYVER AT JULIE ANNE, MAGDYOWA NA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 18, 2022

Hindi na maitatago pa nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang relasyon ngayon. Halos lahat ng kanilang mga kaibigan at co-artists sa GMA ay nagsasabing may “something special” na sa kanila. Kitang-kita 'yun sa kanilang body language kapag sila ay magkasama.
Tuwang-tuwa naman ang JulieVer fans dahil sa wakas, totohanan na ang lahat. At perfect match naman sina Julie at Rayver.
Deserve ni Julie Anne ang lumigaya matapos ang ilang kabiguan sa pag-ibig. Ganu'n din naman si Rayver Cruz matapos makipag-break sa kanya si Janine Gutierrez.
And for sure, hindi naman ito masasabing “love on the rebound” para kay Rayver dahil matagal na silang close ni Julie Anne.
Ngayon ay magiging inspirasyon nila ang isa't isa. Blooming si Julie Anne ngayon at sobrang inspired sa kanyang career.
Sa March 20, may concert siya, ang Limitless Live na gaganapin sa Sunlife Ampitheater sa Bonifacio Global City. Limited lang ang seats kaya kailangang magpa-reserve na ng tickets.





Comments