top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

JANE, UMAMING SUPER LOVE SI JANELLA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2023
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 15, 2023



After doing Darna sa TV via ABS-CBN, wala pang kasunod na serye si Jane de Leon.


Pero tiniyak naman niya na maraming offers at naka-line-up na gagawin niya for next year, inuna lang daw talaga niyang gawin ang mga pelikulang inialok sa kanya pagkatapos ng Darna.


Isa na nga rito ang Shake, Rattle and Roll Extreme na hindi man nakapasok bilang isa sa 10 official entries sa MMFF, mananakot at muli namang magpaparamdam sa mga mahilig sa horror movies simula sa Nov. 29, 2023.


Yes, ibinabalik nga ng Regal Films ang kanilang sikat na sikat na pelikula simula pa ng ating kabataan, at ngayon sa SRR Extreme, hindi lang mga artista sa pangunguna nina Iza Calzado, Jane de Leon, Rob Gomez, reel and real-life sweethearts Jane Oineza at RK Bagatsing at Paul Salas ang maghahatid sa atin ng mga kuwentong katatakutan, dahil this time, may mga kasama ring social media influencers sa trilogy film ng Regal Entertainment.


Of course, dahil tatlong istorya ito, tatlo rin ang direktor — sina Richard Somes, Jerrold Tarog at Joey de Guzman.


Anyway, going back to Jane na nakausap nga namin kahapon sa mediacon ng Shake, Rattle and Roll Extreme, natuwa kami sa pagiging accommodating nito sa lahat ng tanong ng press people at talagang na-handle naman niya nang bongga kahit ang maiintrigang tanong.


Isa na nga riyan ang matagal nang pagli-link sa kanila ng gumanap na kontrabida niya sa Darna na si Janella Salvador bilang Valentina.


Hiningi namin ang reaksiyon ni Jane sa pinag-uusapan ng mga netizens na diumano'y relasyon nila ni Janella matapos kumalat ang holding hands photo nila sa BlackPink concert a few months ago.

"Nagpapasalamat kami sa mga fans, hindi siya normal sa show business, eh, magkaroon ng ganitong clamor. So, natutuwa kami, we spread positivity. Iniingatan naman namin ang image namin, especially those people na humahanga sa amin like the young ones. So, nagiging magandang halimbawa pa rin kami sa kanila despite everything na nangyayari and despite 'yung LGBT, 'yung support ng LGBT."


When asked kung nao-offend ba sila ni Janella kapag naku-question ang gender nila, sagot ni Jane, "Bakit kami mao-offend? It's LGBT and hindi naman kakuwestiyun-kuwestiyon 'yun. They're still humans and we're still humans.


"Kami, kung anumang meron kami, proud kami sa sarili namin," dagdag pa ni Jane.


Sana raw, irespeto ng mga tao ang LGBT community tulad ng ginagawa nila ni Janella, kaya inirerespeto rin sila ng mga miyembro nito.


Pina-specify namin kay Jane 'yung sinabi niyang "Kung anumang meron kami ni Janella" at nangiti ito bago sumagot ng "Meron kaming sisterhood na wala sa iba."


Sobrang "huge" raw ng pagmamahal nila ni Janella sa isa't isa na kung may mga problema ang isa, nandiyan sila para sa bawat isa.


Sa tanong kung mako-consider ba niyang 'relationship or friendship' 'yung sisterhood na sinasabi niya, tumango si Jane at diretsong sabi, "Relationship and friendship."


At sa tanong kung love ba niya si Janella, "Super, I love Janella and I know she loves me too," diretsong sagot ni Jane.


Kavogue, devah!!!


Oh, sa mga fans ni Jane, watch n'yo na ang SRR Extreme sa Nov. 29 in cinemas nationwide at baka makasabay n'yo pang manood si Janella Salvador na sure na susuporta sa kanyang 'sister' na si Jane.



Laging palaban sa mga banat,nademanda…

ENCHONG, NATUTO NA NG LESSON



Maging Best Picture at kumita sa box office ang pare-parehong goal ng mga bida sa Gomburza movie ng JesCom Films (producer ng award-winning film na Ignacio De Loyola noong 2016) at MQuest Ventures ng MediaQuest, sa kooperasyon ng CMB Film Services.


Aminado sina Dante Rivero, Enchong Dee at Cedrick Juan na mabibigat ang mga kalaban nila sa Metro Manila Film Festival sa Dec. 25, pero naniniwala silang dahil sa magandang story ng Gomburza at dahil part ito ng history na dapat mapanood ng mga estudyante, may sarili na silang market na tatangkilik sa kanilang entry sa festival.


Ayaw magpa-pressure ng tatlong bida ng Gomburza sa magiging kompetisyon sa box office at awards night, basta para sa kanila, ginawa nila ang best nila para mai-portray ang mga roles nila bilang ang tatlong paring martir nu'ng panahon ng mga Kastila.


Marami raw madi-discover ang mga kabataan sa pelikulang ito lalo na pagdating sa pagmamahal sa bayan.


At saktung-sakto talaga ang pagkuha kay Enchong Dee bilang isa sa mga major cast ng Gomburza dahil kilala naman ang magaling na aktor sa kanyang pagiging patriotic at nationalistic.


Nu'ng tinanong nga namin sa mediacon ng Gomburza kung ano'ng gusto niyang baguhin sa Pilipinas kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon na i-voice out ang kanyang nararamdaman, ang hirit ni Enchong, gusto niyang lumaganap ang pagmamahalan nang magkaroon nga naman ng kapayapaan at kaayusan.


Isa kasi si Enchong sa mga kilalang very vocal sa pagpuna lalo na sa mga issues ng bayan. Kaya nga kung matatandaan, umabot pa sa pagdedemanda sa kanya ang minsang naging pagpuna niya sa isang kongresista dahil sa bonggang kasal nito.


When asked kung may regrets siya dahil sa pagiging very vocal niya sa kanyang mga opinyon, ang sabi lang ni Enchong, "I've learned my lesson" kaya ngayon daw, medyo mag-iingat na siya sa mga bibitawang salita, although hindi naman nawawala ang kanyang paninindigan sa kanyang pinaniniwalaan at ipinaglalaban.


Anyway, mula sa direksiyon ni Pepe Diokno, isa ang Gomburza sa 10 official entries sa MMFF sa Dec. 25 na sana ay tangkilikin ng mga manonood lalo't may malaki itong kaugnayan sa ating kasaysayan.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page