top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Jane, tuloy na tuloy na sa paglipad… DARNA, SA AGOSTO NA MAPAPANOOD

BULGAR
Jul 9, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 9, 2022



Mauudlot na naman ang paglipad ni Darna ngayong buwan ng Hulyo.


Ipinakita na ang official trailer ng Darna: The TV Series na pinagbibidahan ni Jane de Leon with Joshua Garcia, Janella Salvador at Iza Calzado.


Viral ang nasabing trailer kung saan marami ang humanga sa pagkakagawa nito, lalo na ang cinematography at ang graphics.


Ang mga netizens ay hindi na makapaghintay sa paglipad ni Darna lalo na at nakita na nila ang official trailer nito.


Ipinakita si Iza na lumilipad at hinangaan siya ng mga netizens. Bagay daw sa kanya ang maging Darna.


Three minutes din ang itinagal ng trailer na ang caption ay: "Sa gitna ng dilim, magliliyab ang tunay mong lakas! Lilipad na ang itinadhana ngayong August!"


Komento ng mga netizens, "It's not just a show. It is a MASTERPIECE."


"Sulit na sulit ang paghihintay ng ilang taon."


"Trailer pa lang, nakakatindig na ng balahibo."


"Ang ganda. Grabe. Lalo na 'yung fight scenes ni Iza Calzado."


"Their fighting choreography as well as the camera movement complements very well. Good job!"


Kung noon, pawang negatibo ang nababasa tungkol sa Darna, ngayon ay positive vibes naman dahil nakita nila na talagang pinaghandaan ng ABS-CBN ang paglipad ni Darna kahit ang daming aberya na kanilang pinagdaanan.


Isa na riyan ang lead actress na gaganap, pati na kung sino ang direktor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page