top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

JANE, NATUSOK NA NG PAKO SA TUHOD, NASAPAK PA SA MUKHA NG KA-DOUBLE SA DARNA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 31, 2023


Grabe naman pala ang inabot na sakripisyo at paghihirap physically and mentally ng magandang aktres na si Jane De Leon dahil sa kanyang action-fantasy series na Darna sa Kapamilya Network na ngayon ay nasa last two weeks na.


Nakausap ng entertainment press si Jane sa ginanap na finale mediacon ng Darna sa 9501 Resto ng ABS-CBN Building kahapon.


Bukod kay Jane, present din ang iba pang cast na sina Janella Salvador na gumaganap na Valentina, L.A. Santos, Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, Richard Quan at tatlong direktor ng serye na sina Avel Sunpongco, Benedict Mique at Darnel Joy Villaflor.


Wala si Joshua Garcia na leading man ni Jane dahil busy daw sa mga commitments nito.


Isa sa mga naitanong kay Jane during the Q&A portion ay kung ano ang mga challenges na pinagdaanan niya sa Darna na hindi niya malilimutan.


Kuwento ng aktres, ilang aksidente ang nangyari sa kanya sa taping ng Darna. One time raw ay may naluhuran siyang pako kaya sumirit ang kanyang dugo sa tuhod at itinakbo siya sa ospital.


Ipinakita pa nga nito sa amin ang tuhod niyang black and blue pa at hindi pa nakaka-recover sa bugbog na inabot sa mga action scenes nila.


Minsan naman daw ay nasapak siya sa mismong mukha ng ka-double ni Marco Gumabao kaya two days din silang na-pack-up sa taping. Bukod pa riyan, nabali rin ang isang daliri niya na hanggang ngayon ay pinagagaling pa rin niya.


Kaya naman kahit sad daw si Jane na magtatapos na ang Darna matapos ang halos 4 na taong preparasyon at taping nila dahil feeling niya ay marami pa silang puwedeng gawin, magpapahinga raw muna siguro siya nang kaunti dahil nga sobra-sobrang bugbog, pasa at mga sugat ang inabot niya sa kanilang mga action scenes.


At sumabay pa sa physical pain ni Jane ang mental torture dahil sa pamba-bash ng ilang netizens, na sabi nga ni Jane, hindi na lang niya binibigyan ng atensiyon para hindi siya maapektuhan. Nag-lie-low raw muna siya sa social media para na rin mas maging tahimik ang kanyang buhay.


After Darna, naniniwala si Jane na may mga susunod namang projects na ila-line-up para sa kanya ang ABS-CBN.


Tinanong nga namin siya kung willing ba siyang maging supporting role uli sa isang project after niyang magbida na sa Darna at sagot ni Jane, okay lang naman daw at hindi ito issue sa kanya dahil ang management naman niya ang mas nakakaalam kung ano'ng mabuti para sa kanya.


Consistent pa rin si Jane na si Paulo Avelino ang dream leading man niya kung saka-sakaling mabibigyan uli ng project sa ABS-CBN, pero open din daw siya sa lahat ng aktor kahit 'yung galing sa ibang network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page