top of page
Search
  • BULGAR

JANE, NAHULOG SA STAGE NG IT'S SHOWTIME

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 18, 2022


Hindi lang ang ABS-CBN at TV5 ang nagsanib-puwersa kundi pati ang mga local superheroes sa It’s Showtime kamakailan.


Nag-guest kasi ang Darna ng bagong henerasyon na si Jane de Leon sa It’s Showtime para i-promote ang pantaserye na kanyang pinagbibidahan.


Habang ang mga hosts na sina Vhong Navarro at Anne Curtis ay gumanap din bilang superheroes (Lastikman at Dyesebel respectively) sa mga pantaserye sa Kapamilya Network noon.


Isama na rin ang isa pa sa mga hosts ng It’s Showtime na si Jhong Hilario who played the character of “Alakdan” sa FPJ’s Ang Probinsyano.


Sa 'di inaasahang pangyayari ay nahulog si Jane sa stage ng It’s Showtime sa Vest in Spelling segment ng show.


“Tulungan lang tayong mga superhero,” ang sabi ni Vhong sa pagkakahulog ni Jane sa stage.


During the Ms. Q&A segment ay nagkaroon ng chance si Jane na pasalamatan ang kapwa niya “superheroes” sa pagtulong sa kanya.


“Gusto kong magpasalamat sa inyong tatlo (sa pagtulong) noong natumba ako. Naalala ko, si Kuya Vhong si Lastikman, si Ate Anne si Dyesebel. Siyempre, si Alakdan, nandito rin,” masayang tsika ni Jane.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page