JANE, MALA-GAL GADOT AT ANGEL LOCSIN BILANG DARNA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 21, 2022

Nu'ng Biyernes (August 19) ay opisyal nang lumipad si Jane de Leon bilang Darna.
Nag-transform na ang katauhan ni Narda as Pinoy superheroine kung saan hinangaan ng netizens ang Darna costume ni Jane.
Tama ang sinabi ni Jane na panoorin muna ang Darna bago siya i-bash.
Bagay sa actress ang Darna costume wherein she looks very stunning.
Ini-release ng Kapamilya ang opisyal poster ng Darna pagkatapos ng fifth episode nu'ng Friday.
Ishinare rin ni Jane sa kanyang IG account ang nasabing poster. Nilagyan niya ito ng caption tulad ng caption ni Iza Calzado, ang unang Darna: “Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa."
Good comments ang natanggap niya sa kanyang mga followers.
"JANE DE LEON PROVING ALL HER BASHERS WERE WRONG."
"Jane de Leon's first fight as this generation's Darna. She looks stunning."
"Girl, she's serving it right."
"Jane de Leon, this generation's Darna is officially and FINALLY here in her full glory."
"Jane is giving Gal Gadot, Angel Locsin vibe."
Maging ang mga celebrities ay hindi napigilang mag-react sa poster ni Darna tulad nina Lovi Poe, AJ Raval at Jerald Napoles. Pawang fire emojis ang kanilang reaksiyon.
Kaso, may iba pa ring netizens na negatibo ang komento.
"Wala pa ring makakatalo sa era ni Angel as Darna."
"Puwede ba, I respect Angel but please, ibigay na natin kay Jane ang spotlight."
"May mga era at generation ang superheroes, stop comparing."
True nga naman, ibigay na lang muna kay Jane ang spotlight. Tutal naman, kahit anong pamba-bash ng ibang netizens ay tapos na rin ang isyu dahil na kay Jane na ang bato ni Darna.





Comments