James, lumayas na ng 'Pinas… NADINE, PANAY ANG FEEDING PROGRAM KASAMA ANG BAGONG BF
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 20, 2022

Nasa Los Angeles, USA na si James Reid habang ang kanyang ex-partner on-and-off cam na si Nadine Lustre ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
May netizen ang nag-post ng larawan ni Nadine kasama ang boyfriend niyang si Christophe Bariou habang nakikipag-usap sa mga tao at meron ding piktyur si Nadine habang sumasandok ng pagkain.
Napag-alaman na may isinagawang feeding program ang grupo ni Nadine sa bayan ng Caridad Pilar, Surigao Del Norte last February 17.
Nasundan pa ang feeding program nina Nadine sa iba pang karatig-bayan sa Mindanao.
Last February 19 ay naglunsad din ang grupo nina Nadine ng libreng lunch araw-araw sponsored by World Central Kitchen, Siargao Community Kitchen and Lokal Lab sa Barangay Bagakay.
Kapuri-puri ang ganitong inisyatibo mula kay Nadine at sa mga kasama niya. Mukhang 'di lang kay Christophe na-in love si Nadine kundi pati sa mga taga-Siargao, hah?
Anyway, lilipad naman patungong Dubai si Nadine for a show on February 25.





Comments