James, inahas daw ni Issa kay Nadine...
- BULGAR
- Mar 19, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 19, 2023

May paalala si Yassi Pressman sa mga namba-bash at nag-aakusa sa kapatid niyang si Issa Pressman na third party sa breakup nina James Reid at Nadine Lustre na ‘wag maging opinionated.
“Just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people. Let’s stop being only opinionated, but try harder to be educated with facts. ‘Cause if the words you threw around were tattooed on you, would you walk around proud,” ayon sa aktres.
Idinepensa ni Yassi si Issa dahil sa backlash na natatanggap nito after ng 'reveal' na may relasyon sila ni James.
Kaya lang, parang hindi pinakinggan ang hiling ni Yassi, dahil tuloy pa rin ang pamba-bash kay Issa ng mga netizens.
Ito’y kahit nag-post pa si Yassi ng “There are always 2 sides to a story. Abangan!!!”
May nag-comment nga na ipinagtatanggol pa niya ang kanyang kapatid, eh, totoo naman daw ang inaakusa kay Issa.
Ang napansin namin, kung may mga galit kay Issa, mas marami ang masaya para sa kanila ni James at tinatawag na nga silang “Lovebirds”.





Comments