top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

James, first time nag-center, panalo, nileksiyunan si Green

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 30, 2021







Pareng nagtala ng kanilang ika-apat na sunod na panalo ang World Champion Milwaukee Bucks at Miami Heat at lalong pinahigpit ang karera at umangat sa NBA Eastern Conference kahapon. Wagi ang bisitang Bucks sa Orlando Magic, 127-110, habang tagumpay ang Heat sa Washington Wizards, 119-112.


Ibinalik ng dunk ni Giannis Antetokounmpo sa 29 ang lamang ng Bucks sa 3rd quarter, 76-47, at mula roon ay inalagaan na nila ito. Nagdagdag ng 11 sa 28 puntos si Giannis sa 4th quarter at sinundan ni Khris Middleton na may 21 puntos at nasayang ang 38 puntos ni Magic rookie Franz Wagner.


Dominado ng Heat ang Wizards at lumayo ng 28 sa gitna ng 3rd quarter, 85-57, subalit kinailangan ang anim na free throw sa huling minuto upang masigurado ang ika-22 panalo ng taon. Nanguna sa Miami si Tyler Herro sa 32 puntos kasama ang dalawang free throw upang itakda ang huling iskor habang 26 puntos si Duncan Robinson at 25 puntos at 15 assist si Jimmy Butler. Binigo ng Denver Nuggets ang Golden State Warriors, 89-86, subalit nanatiling numero uno pa rin sa NBA ang Warriors sa 27-7.


Nanguna sa Nuggets si MVP Nikola Jokic na may 22 puntos habang 21 si Barton at maghaharap muli ang dalawang panig sa Denver. Pinasok ni Stephen Curry ang limang tres para sa 23 puntos at unang manlalaro sa 3,000 three-points.


Dalawang araw bago ang ika-37 na kaarawan, naglaro si LeBron James bilang sentro sa kanyang 19 taon sa NBA at nagbunga ang eksperimento sa 132-123 panalo ng bisitang Los Angeles Lakers sa Houston Rockets. Triple double si James na 32 puntos, 11 rebound at binigyan ng matinding aral ang mga kabataan ng Rockets na sina Fil-Am rookie Jalen Green na gumawa ng 24 puntos.


Sa ibang mga laro, ginulat ng New Orleans Pelicans ang Cleveland Cavaliers, 108-104.


Nagwagi rin ang New York Knicks sa Minnesota Timberwolves, 96-88, Philadelphia 76ers sa Toronto Raptors, 114-109, at Sacramento Kings sa Oklahoma City Thunder, 117-111.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page