JALOSJOS, IDEDEMANDA ANG MGA NAGKAKALAT NA TSUGI NA ANG EB! SA JULY 29
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 11, 2023

Kalat at usap-usapan na sa social media ang balita na diumano ay malapit nang matapos ang noontime show na Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc. at hanggang June 29 na lang diumano ito.
Ngunit ayon naman sa TAPE, walang katotohanan ang kumakalat na balita sa socmed hinggil sa pagtatapos ng programa nila.
Sa katunayan, isinangguni na ng mga Jalosjos, mga tagapamahala ng TAPE, Inc., sa mga abogado nila ang ipinapakalat na “fake news” ng mga detractors nila.
Sisiguraduhin umano nilang mananagot ang kung sinumang nagpakalat ng maling impormasyon na ito na wala namang basehan.
Isa rin sa mga patunay na hindi pa magtatapos ang bagong EB! ay ang ginawang pagpirma ng kontrata nina Paolo Contis at Isko Moreno sa TAPE, Inc. upang ilang taon pa silang maging bahagi ng nasabing programa bilang mga hosts.
Gagawa umano ang TAPE ng legal actions sa mga nagpapakalat ng fake news na ito ukol sa kanilang programa dahil malaki raw ang epekto nito, lalo na sa mga advertisers at sponsors nila.
Ang nasabing isyu ay tinalakay nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang YouTube channel na Showbiz Update.





Comments