Jalosjos, gets n'yo raw? SEN. TITO: TVJ NA KAMI BAGO PA NAGKA-EAT BULAGA!
- BULGAR
- May 1, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 1, 2023

Si dating Senate President Tito Sotto ang tumatayong spokesperson para sa lumalalang isyu tungkol sa programang Eat... Bulaga!.
Sa panayam ng batikang manunulat at TV host na si Nanay Cristy Fermin sa kanyang YouTube Channel na Showbiz Now Na, nabanggit ni Sen. Tito na may goal silang paabutin ng 50 years ang EB! na ngayon ay nasa ika-44 na taon na.
Ito umano ang plano ng tatlong haligi ng programa na kung tawagin ay TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon).
Aniya, "Ang target naming tatlo, umabot ng 50 years 'yun, eh, umabot ng golden 50 years ang Eat... Bulaga!. Wherever, saanman abutin, basta kailangang umabot nang 50 years 'yun."
Kahit anong mangyari raw ay kailangang umabot ang EB! sa 50 yrs. sa telebisyon. Kasi, sila na ang tinaguriang longest-running noontime show sa buong mundo.
Pagpapatuloy pa niya, "Mahigit kalahati ng buhay namin... itinaya namin du'n at huwag na huwag nilang kakalimutan, lalo na 'yung nagbibintang na ginawa lang kami, gawa na kami bago pa kami pumasok ng Eat... Bulaga!. Kaya nga nila kami kinukuha, eh."
Nilinaw din ni Sen. Tito na hindi sila galit sa mga tao sa TAPE, Inc. na pagmamay-ari ni Romeo Jalosjos.
"Masama ang loob namin sa nangyayari, let me just put it that way para hindi naman ako maging offensive," paglilinaw pa nito.





Comments