top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Jake, umaming gusto lang mag-enjoy... NETIZENS KAY CHIE: MAGISING KA NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 6, 2023



Mukha ngang ready nang makipag-date ulit si Jake Cuenca matapos ang hiwalayan nila ni 2016 Miss International Kylie Versoza.


Tinanong ng mga press people kung ang sexy dancer-actress ba na si Chie Filomeno ang nagpapangiti sa kanya ngayon. Hindi naman nakasagot ang aktor sa nasabing tanong, tanging makahulugang ngiti lang naging tugon nito.


Ayan tuloy, napansin ng mga netizens ang sobrang puti na ngipin ni Jake. Inakala pa nila na dentures ang suot ng aktor.


“Ayyy, anyare sa ngipin ni Jake?! Ba’t parang mukhang pustiso?”


“Pustiso na ba ‘yang ngipin ni Jake? Bakit naman naging ganyan ‘yung ngipin niya?!”


Samantala, sinabi naman ng ibang mga netizens na nagpalagay ng dental veneers (custom made shell na idinisenyo upang takpan ang harapang ibabaw ng ngipin) si Jake kaya naging ganu’n ang hitsura ng ngipin nito.


“Veneers ‘yan, teh. ‘Yung gaya kay Heart Evangelista.”


“Bakit biglang nauso ang chiclet-looking teeth na ‘yan? At ang nakakaloka, palaki nang palaki, ah, at paputi nang paputi. Tingnan mo si Tsong Dennis Padilla, hindi mo na tuloy mawari kung domino o mahjong inspired ba ‘yung mga ngipin niya.”


Sa kabilang banda, hindi pa rin naiwasan ng mga netizens na humirit tungkol sa nali-link ngayon sa actor na si Chie.


“Chie is so lucky!”


Sinabi pa nga ng isang netizen na mas better pa rin daw ang ex-GF ni Jake na si Kylie kaysa sa babaeng kinahuhumalingan nito ngayon.


“Chie is lucky? Parang hindi naman. Still, Kylie is way better than Chie.”


At ang babala naman ng isa pang commenter kay Chie hinggil sa naging pahayag ni Jake sa isang interview na gusto lang muna niyang mag-enjoy ngayon.


“Naku, Chie! Takbo na! Red flag ‘yung sinabing GUSTO KO LANG MAG-ENJOY!”


Ang pahabol na sey ng isang netizen na tila sinasabing maghanap na lang ng iba si Chie sapagkat hindi pang-seryosohan si Jake. Mas gusto lang kasi nitong magkaroon ng fling at mukhang wala sa hilatsa nito na magpakasal.


“In fairness, bagay sila... But Chie can do better. Magiging fling lang siya ni Jake. Women who date him will only be wasting their time with him cause he is not the marrying type.” vJv


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page