Jake paul, giniba si Silva sa 8th round sa Arizona
- BULGAR
- Nov 1, 2022
- 1 min read
ni MC - @Sports | November 1, 2022

Nanatiling walang talo si Jake Paul bilang professional boxer nang muling talunin si mixed martial arts (MMA) legend Anderson Silva sa isang eight-round bout noong Linggo, oras sa Pilipinas.
Nagwagi si Paul, isang social media personality sa bisa ng unanimous decision kung saan nagbigay ang judges ng mga iskor na 77-74, 78-73, 78-73. Umibayo siya sa 6-0 sa kanyang professional boxing career.
Nakuha ni Paul ang panalo nang pabagsakin si Silva sa eighth round ng kanilang cruiserweight bout.
Tinawag niya ang panalo na "surreal moment," dahil tinalo niya ang fighter na matagal na niyang iniidolo. "First and foremost, I wanna say thank you to Anderson. He was my idol growing up, he inspired me to be great. Without him we wouldn’t have had a fight this year.
He’s a tough mo-fo, like for real, legend. I have nothing but respect for him," ayon sa 25-anyos na si Paul.
Umakyat si Silva sa laban hawak ang 3-1 record bilang boxer sa tuktok ng kanyang matingkad ng MMA career. Kahit na 47 anyos na, nasubukan pa rin ng Brazilian icon si Paul pero hindi na rin humirit ng rematch matapos ang laban. "Jake is better than me today," ani Silva. "I don’t have nothing to say bad about my opponent. I think everybody needs to respect this kid because he’s doing the best job."








Comments