JAKE, BIGLANG NAG-WALKOUT NANG MAKITA SI IVANA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 25, 2023

Naaliw ang mga netizens sa TikTok video ni Jake Ejercito kung saan ginawa niya ang nauusong "Choose your girlfriend" challenge.
Sa nasabing challenge ay kailangan niyang mamili ng gusto niyang maging girlfriend sa mga larawan ng mga babaeng artista na lalabas.
Ang mga larawan nina Anne Curtis, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Lovi Poe at Yassi Pressman ang mga unang lumabas. Si Anne nga ang napili ni Jake sa mga nabanggit na aktres.
Nang si Ivana Alawi naman ang itinapat kay Anne ay biglang natigilan ang aktor at saka biglang nag-walkout sa nasabing video.
Dahil sa naging reaksiyon ni Jake, agad na nag-viral ang kanyang Tiktok video sa social media at umabot nga sa mahigit 1 million views ang page niya.
Komento tuloy ng mga netizens, "Tumiklop kay Cherry Red! Hahaha!"
"Laki ng takot niya kay Cherry Red! Hahaha! The more you hate, the more you love talaga."
Si Jake ay isa sa mga naging leading men ni Ivana sa seryeng A Family Affair, kung saan ginampanan nga ni Ivana ang lead role bilang si Cherry Red.





Comments