top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Jak, oh! BARBIE AT DAVID, MAGSASAMA SA MALAMIG NA LUGAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 17, 2023





Tuloy na ang movie nina Barbie Forteza at David Licauco, pero ipinagtataka ng mga fans ng dalawa kung bakit OctoArts Films ang producer gayung active naman na ang GMA Pictures.


Ang ine-expect din ng mga fans ay collaboration ng GMA Pictures at OctoArts Films ang movie, ngunit ang lumabas na balita ay OctoArts Films lang ang producer.


O, baka naman collab talaga ng two film companies ang movie na pagtatambalan nina Barbie at David, hindi pa lang nababalita?


Wala pa ngang kumpirmadong detalye tungkol sa movie at kung sino ang director at cast na makakasama nina Barbie at David sa first movie nila. Hindi pa rin nababanggit ang title ng movie.


Ang nasabi pa lang ay sa Vienna, Austria isu-shoot ang ibang eksena.


Sa Zoom interview kina Barbie at David para sa Daig Kayo ng Lola Ko, may nabanggit sila na sa isang malamig na bansa ang kanilang shooting at patunay na nga ‘yun.


Anyway, ang daming nag-congratulate kina Barbie, David at sa buong cast ng Maria Clara at Ibarra dahil isa ang historical portal fantasy series sa official shortlist ng New York Festivals Film & TV Awards under Entertainment Program: Drama category.


Ang saya siguro kung dadalo sina Barbie, David, Julie Anne San Jose, Dennis Trillo at Director Zig Dulay at mananalo ang series.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page