top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Jaguar nanalo sa 2nd Leg Triple Crown

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 13, 2023


Hinangaan ng mga karerista si Jaguar matapos nitong manalo sa 2023 PHILRACOM "2nd Leg Triple Crown Stakes race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Binigo ni Jaguar ang asam na sweep ng 1st leg winner La Trouppei.


Ginabayan ni star jockey jeffril Tagulao Zarate, ipinuwesto nito si Jaguar sa tersero upang panoorin ang naglulutsahan sa unahan na sina Easy Way at Going East habang kulelat si La Trouppei.


Nagbabakbakan sa unahan sina Easy Way at Going East subalit nadikitan sila ni Jaguar para agawin ang bandera sa far turn.


Papalapit ng home stretch ay apat na kabayo ang lamang ng Jaguar sa humabol na La Trouppei kaya naman sa rektahan ay nagsisigawan na ang mga nakataya sa winning horse.


Tinawid ng anak nina Dance City at Delta Gold na si Jaguar ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang si La Trouppei, tersero si Secretary habang pumang-apat si Earli Boating.


Nasilo ng winning horse owner na si JM Arroyo ang P2.1M sa pagkakapanalo ni Jaguar sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Inirehistro ni Jaguar ang 1:51.8 minuto sa 1,800 meter race.


Nakopo ni La Trouppei ang P700,000 habang tig- P350,000 at P175,000 sina Secretary at Earli Boating ayon sa pagkakasunod.


Hinamig naman ng breeder ng nanalong kabayo na si Joseph Dyhengco ang P175,000 habang may sinikwat na P105,000 at P70,000 ang second at third.


Samantala, tiyak na naghahanda na ang ibang kabayo para sa 3rd Leg ng triple crown series.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page