top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Jaguar, hinangaan sa MARHO Juvenile

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 24, 2022


Isa sa hinangaan ng mga karerista noong Linggo si Jaguar nang manalo ito sa MARHO Breeders' 2-Year-Old Juvenile Colts na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Paglabas ng aparato ay nakipagtagisan agad ng bilis sa unahan si Jaguar kay Open Billing, umabot ang kanilang bakbakan hanggang far turn.


Mula roon ay nakuha na ni Jaguar ang unahan at unti-unti ng nauupos si Open Billing.


Pero ang ka-kuwadra ni Open Billing na si Rough Cut naman ang nakalaban ni Jaguar sa unahan, naging mainit ang kanilang labanan sa rektahan.


Hindi natinag sa unahan ang winning horse kaya nanalo ito ng leeg ang pagitan sa pumangalawang Rough Cut.


Sinakyan ni class A at veteran rider Fernando Raquel, inirehistro ni Jaguar ang tiyempong 1:25 minuto sa 1400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Juan Miguel Arroyo ang P300,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nasilo ni Rough Cut ang P112,500 second place prize habang tig-P62,500 at P25,000 ang third at 4th placers na sina Player Andri at Sonic Clay ayon sa pagkakasunod.

Nagbulsa din ang breeder ng winning horse ng P25,000.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page